5 SLI, timbog sa buy bust
TIMBOG limang Street-Level Individuals (SLI) sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kamakailan sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala sa mga alyas ang limang suspek na sina Kris, Son, Alvin, Athea at Grace, na pawang residente ng lalawigan.
Nakumpiska sa operasyon ang pitong maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may kabuuang timbang na 6.87 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng ₱40,800.00.
Nakuha rin ang isang ₱500 bill, kasama ang tatlong piraso ng ₱1,000 boodle money na ginamit sa buy-bust operation, isang pouch, isang cellphone, at isang motorsiklo.
Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng Drug Enforcement Team ng Bacoor City Police Station dakong alas-3:40 ng madaling araw nitong Setyembre 29 sa Barangay Molino 4, ng naturang lungsod.
