Tagapangulong Barrios-Taran, Nakipagtalakayan sa Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino
Naging panauhing tagapagsalita si Tagapangulong Atty. Marites A. Barrios-Taran sa isang talakayang ginanap sa Pang-alaalang Sentrong Medikal Quirino (Quirino Memorial Medical Center) noong 26 Agosto 2026.
Tinalakay niya rito ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa kaugnay sa serbisyo publiko.
Naging malalim ang talakayan sa pagsagot ng ilang katanungan hinggil sa kung paano higit na mapagtitibay ang serbisyo publiko sa naturang ospital sa pamamagitan ng mabisa at episyenteng komunikasyon sa wikang Filipino, sa tulong ng artificial intelligence (AI).
Sa bandang huli, ipinaalala ni Tagapangulong Barrios-Taran na sa bawat serbisyong naihahatid sa wikang nauunawaan ng lahat, higit na nagiging makabuluhan ang paglilingkod sa bayan.
