SSL Unity Cup may 1 million na pa premyo sa mag kakampeon
SSL UNITY CUP CEREMONIAL PIZZA GIANT CUTTING
Tatanggap ng isang Milyon na premyo ang mag ka kampeon matapos na ipahayag kamakailan sa ginanap na pag lulunsad para sa
2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup, na sisimulan sa Setyembre 25 sa Rizal Memorial Coliseum.
Makakaharap ng NU ang matinding hamon mula sa anim na koponan ng UAAP at 10 koponan ng NCAA sa torneo na suportado ng Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI).
Bukod sa tropeo, P1 milyon ang iuuwi ng kampeon, habang P600,000 at P300,000 naman ang mapupunta sa second at third placers.
May tig-P10,000 ang mga tatanghaling individual awardees, habang P30,000 ang gantimpala para sa Most Valuable Player.
Ayon kay Ian Laurel, pangulo at chairman ng Athletic Events and Sports Management Inc. (ACES), layunin nilang gawing mas malaki, kapana-panabik at mas explosive ang Unity Cup ngayong taon matapos ang matagumpay na Girls Volleyball Invitational League at National Invitationals.
“Since 2004, Shakey’s has been there supporting the growth and development of the sport here in the country. And Shakey’s continues that commitment through the staging of the SSL,” ani SPAVI president at CEO Vic Gregorio.
Hindi sasabak ang reigning UAAP champion De La Salle University ngayong season dahil sa mga injury ng ilang key players.
Ang 17 koponan ay hahatiin sa apat na pool para sa single-round robin preliminary round.
Pool A: NU, San Beda University, Arellano University, University of Perpetual Help at NCAA champion Letran College.
Pool B: University of Santo Tomas, College of Saint Benilde, Jose Rizal University at Mapua University.
Pool C: Far Eastern University, Ateneo de Manila University, Emilio Aguinaldo College at San Sebastian College-Recoletos.
Pool D: Adamson University, University of the Philippines, Lyceum University of the Philippines at University of the East, na nagbabalik matapos lumiban noong nakaraang taon.
Aakyat sa susunod na round ang top two teams sa bawat pool. Mula rito, muling hahatiin ang mga koponan sa dalawang grupo para sa panibagong round-robin.
Magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa crossover quarterfinals ang dalawang nangungunang koponan. Knockout ang semifinals at bronze medal match, habang best-of-three ang championship series.
Mananatili rin ang natatanging all-to-play format, kung saan kailangang makapaglaro ang lahat ng manlalarong nasa game roster ng bawat koponan.
Gagamit din ang liga ng pinakabagong video challenge system na may animated replay visualization upang mas malinaw na masuri ang mga kontrobersiyal na plays. Gagamitin ito simula sa second round.
“Of course, we want teams to experience playing under international standards through innovations and the latest volleyball technology,” ani Laurel.
