Naarestong kawatan, nahulihan ng baril
ISANG kawatan ang naaresto matapos mahuli sa aktong tangkang pagnanakaw na nagresulta pa sa pagkakakumpiska ng baril kamakailan sa Imus City, Cavite.
Ang tangkang pagnanakaw ng mga bakal ay isinagawa ng suspek na si alyas Rico, residente ng Imus City, sa isang gusali sa Barangay Malagasang 1-G, ng nasabing lungsod dakong alas-6:00 ng gabi nitong Setyembre 7.
Mismong kinatawan ng establisyimento ang nakakita habang kinukuha ng suspek ang iba’t ibang steel bars na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,000.00 at sa maagap na pagresponde ng mga awtoridad ay naaresto si Rico.
Natuklasan sa dalang sako ng suspek ang isang caliber .22 revolver na walang serial number at dalawang (2) live ammunition.
