Warrant, inihain sa wanted sa Cavite
MATAGUMPAY na naihain ang warrant of arrest laban sa Provincial Level Most Wanted Person kamakailan sa Cavite City, Cavite.
Ang akusadong si alyas Egay, residente ng Noveleta, ay naaresto sa Barangay 57 ng nasabing lungsod dakong alas- 10:00 ng umaga nitong Agosto 25.
Isinagawa ng warrant personnel ng Cavite Component City Police Station ang pagsisilbi ng warrant laban sa akusado.
Ang akusado ay pinaghahanap dahil sa kasong Rape by Sexual Assault sa ilalim ng Artikulo 266-A ng Revised Penal Code at Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 336 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Seksyon 5(B) ng Republic Act No. 7610, na sinusugan ng Republic Act No. 11648.
Ang warrant of arrest ay inilabas at nilagdaan ng Presiding Judge ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 5, Trece Martires City, Cavite, na may petsang Hulyo 27, 2026, at may inirerekomendang piyansa na ₱200,000.00 para sa bawat kaso.
