2026 NTT Asian PARA Triathlon Championship ngayong Setyembre sa Subic Bay Freeport

ALEX SILVERIO AT RAUL ANGOLUAN 
Magiging tampok ang pambato ng bansa kontra sa mga matitikas na dayuhan ang pag lahok nila Raul Angoluan at Alex Silverio para sa nakatakdang 2026 NTT Asia  Triathlon PARA Championships na gaganapin sa Subic Bay Freeport. Olongapo sa darating na September.
 
Nagtatagpo ang mga nangungunang para triathlete mula sa pinakamalaking kontinente para sa 2026 NTT Asia Triathlon Para Championships sa Subic Bay Freeport, isa sa mga pangunahing hub ng triathlon sa Asya, sa Setyembre 6.
​Isang Regional Para Triathlon Training Camp na nagbibigay sa mga kalahok na atleta at national federations ng plataporma para sa sama-samang pagsasanay, teknikal na paghahanda, at palitan ng kaalaman ang mangunguna sa kumpetisyon mula Agosto 31 hanggang Setyembre 3.
​Pinangungunahan ni World Triathlon Facilitator Neil Andrew Macleod ang kampo kasama ang pagsuporta ng ating sariling si Anthony Lozada, ang Asia Triathlon Para Athletes Committee Chairman.
​Nangunguna sa mga atletang maglalaban upang ipakita ang lakas, determinasyon, at patuloy na paglago ng para triathlon sa Asya ang mga Hapones, Koreano, Kyrgyzstani, Uzbek, Indian, at ang host na mga Pilipino.
​Iniharap ng NTT, ang kampeonato ay inorganisa ng Triathlon Philippines sa pakikipagtulungan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
​Buong-pusong sinusuportahan ng Philippine Sports Commission ang kampeonatong ito na huling hinost ng Pilipinas dalawang taon na ang nakararaan ang Gatorade ay nagsisilbing opisyal na hydration partner at ang Western Guarantee naman bilang isponsor.
​Ang Hapon, na nagbulsa ng anim na gintong medalya, at naghari sa edisyon noong 2024.
 
 
 
 
 
 
 
 
Scroll to Top