Paalala sa Panahon ng Tag-Ulan: PhilHealth Benefits para sa Leptospirosis

Ngayong panahon ng tag-ulan, mas mataas ang panganib ng Leptospirosis, lalo na sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha. Ang sakit na ito ay maaaring makuha kapag ang sugat o bahagi ng katawan ay nakasalamuha sa tubig-baha o putik na maaaring kontaminado ng ihi ng infected na hayop, partikular ng daga.

Bilang bahagi ng ating pangangalaga sa kalusugan, nais naming ipabatid na may PhilHealth benefits para sa Moderate to Severe Leptospirosis upang makatulong sa gastusin sa pagpapagamot at mga kinakailangang serbisyong medikal.

Ayon sa kalakip na impormasyon, kabilang sa mga benepisyong maaaring saklaw ang:

Hemodialysis (HD) at vascular access – hanggang ₱170,000

Peritoneal Dialysis (APD) at PD Solutions – hanggang ₱230,000

Hemodialysis + Hemoperfusion – hanggang ₱325,000

Hemodialysis + Mechanical Ventilation + Pulmonary Rehabilitation – hanggang ₱411,000

Saklaw din ng package ang mga serbisyong tulad ng kwarto sa admission, mga gamot, laboratoryo, diagnostic imaging, at oxygen, ayon sa naaangkop na benepisyo at kondisyon ng pasyente.

🛡️ Protektahan ang Sarili Laban sa Leptospirosis

Kung kinakailangang lumusong sa baha, magsuot ng wastong protective gear tulad ng bota at gloves at iwasang magkaroon ng contact ang baha sa mga sugat o bukas na bahagi ng balat.

Kung nakalusong sa baha at nakararanas ng mga sintomas na maaaring kaugnay ng Leptospirosis, magpakonsulta agad sa health facility. Maaari ring magtungo sa PhilHealth YAKAP Clinic para sa konsultasyon at, kung naaangkop, reseta para sa Doxycycline na maaaring makuha sa mga participating GAMOT facilities.

Huwag balewalain ang mga sintomas. Ang maagap na pagpapakonsulta ay mahalaga upang maiwasan ang paglala ng sakit.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa PhilHealth 24/7 hotline:

(02) 8662-2588

www.philhealth.gov.ph

Maging alerto, mag-ingat, at unahin ang kalusugan ngayong panahon ng tag-ulan.

Maraming salamat at manatiling ligtas!

 

 

 

Scroll to Top