Wanted, tiklo sa Carmona
ISANG Regional Level Most Wanted Person ang nadakip sa ikinasang operasyon ng pullisya kamakailan sa Carmona City, Cavite.
Ang akusadong si alyas RJ, 44, at kasalukuyang naninirahan sa Carmona City, ay naaresto nitong Agosto 19.
Inaresto siya ng mga tauhan ng Carmona Component City Police Station sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Inilabas ang warrant ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 152, Biñan City, Laguna, na may petsang Setyembre 10, 2024, para sa pagpapatupad ng sentensiya.
