Presyo ng pangkalahatang bilihin at serbisyo sa CALABARZON, naitala sa 5.8 percent nitong buwan ng Hulyo 2026
CITY OF LIPA, Batangas – Umakyat sa 5.8 percent ang headline inflation sa rehiyon ng CALABARZON nitong buwan ng Hulyo 2026, ayon sa pag-uulat ni Regional Director Charito C. Armonia ng Philippine Statistics Authority (PSA) CALABARZON sa ginanap na press conference nitong Martes, ika-11 ng Agosto taong kasalukuyan.
Ito ay mas mababa kumpara sa inflation ng rehiyon noong Hunyo 2026, na naitala sa 6.3 percent, at mas mataas naman kaysa noong Hulyo 2025 na naitala sa 1.8 percent. Sa kasalukuyan, ang average year-to-date inflation rate mula Enero hanggang Hulyo 2026 ay nasa 5.0 percent.
Ang pangunahing dahilan ng mas mabagal na pagtaas sa pangkalahatang presyo ng mga kalakal at serbisyo sa rehiyon nitong Hulyo 2026, kumpara noong nakaraang buwan ng Hunyo 2026, ay ang pagbaba ng presyo ng Education services na may -1.3 percent inflation. Nakaambag din ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng Housing, water, electricity, gas, and other fuels na may 9.0 percent inflation at Transport na may 9.8 percent inflation nitong buwan ng Hulyo 2026.
Sa mga pangkat ng pagkain sa rehiyon, nagpakita ng mas mabilis na pagtaas ng presyo nitong buwan ng Hulyo 2026 ang mga sumusunod: Bigas (13.7 percent); Fish and other seafood (7.5 percent); Flour, bread and other bakery products, pasta products, and other cereals (6.2 percent); Fruits and nuts (5.1 percent); Mais (4.7 percent); Ready-made food and other food products (4.6 percent); at Vegetables, tubers, plantains, cooking bananas and pulses (1.9 percent).
Sa kabilang banda, ang mga sumusunod na pangkat ng pagkain ay nagpakita naman ng mas mabagal na pagtaas ng presyo nitong Hulyo 2026 kumpara noong nakaraang buwan ng Hunyo 2026: Oils and fats na may 6.7 percent inflation; Sugar, confectionery and desserts na may 0.7 percent inflation; at Milk, other dairy products and eggs na may 0.1 percent inflation. Samantala, nagtala ng mas mabilis na pagbaba ng presyo nitong Hulyo 2026 ang Meat and other parts of slaughtered land animals na may -6.5 percent inflation.
Sa mga probinsya at Highly Urbanized City ng CALABARZON, ang mga probinsya ng Laguna (7.1 percent inflation), Rizal (6.6 percent inflation), at Cavite (4.9 percent inflation) ay nakapagtala ng mas mababa na inflation rate nitong Hulyo 2026 kumpara noong Hunyo 2026. Ngunit ang probinsya ng Quezon (5.9 percent inflation), Lungsod ng Lucena (4.3 percent inflation), at Batangas (4.2 percent inflation) ay kapwa nakapagtala ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing serbisyo at bilihin.
Dagdag dito, naitala sa 74 sentimo noong Hulyo 2026 ang purchasing power of peso (PPP) o ang halaga ng piso kumpara sa halaga nito noong 2018.
