Phil team dumagdag ng Silver at Bronze sa natapos na 10th Aero Gymnastics Asian meet

SENIOR MIXED PAIR BRONZE AND SILVER TEAM SENIORS AERO DANCE 
TAMPUKAN sa pamamagitan ng matibay at kagalingan ng (ibabang larawan) team senior aero dance ng bansa matapos magtala sa karagdagang tagumpay na medalyang silver para sa seniors mix pair habang nag bronze naman sa seniors mixed pair sina Charmaine Dolar at Arceo Cablos sa natapos na 10th Aero Gymnastics Asian meet na ginanap sa Tagaytay City Velodrome. 
 
 
 
​Tinapos ng Pilipinas ang matagumpay nitong kampanya sa pagsasara ng 10th Aero Gymnastics Asian Championships na inihandog ng Philippine Sports Commission sa pamamagitan ng pagwawagi ng pilak sa team senior aero dance at tanso sa senior mixed pair events na ginanap sa Tagaytay CT Velodrome.
​Sa saliw ng masiglang musika mula sa pinagtagpi-tagping mga katutubong sayaw ng Pilipinas hanggang sa sikat na “Budots” beat, nagpasabog ng kaaya-ayang sorpresang pagtatanghal ang mga pambato ng bansa sa kanilang internasyonal na debut matapos makapuntos ng 16.60 upang masungkit ang medalyang pilak.
​Pinangunahan nina Arcanio Cadlos at Charmaine Dolar, mga beterano sa pambansang koponan, ang delegasyon na binubuo rin nina Enrico Ostia, James Dominick Yray, Jhon Jeoffrey Cañones, ang magkapatid na Dorothy Grace at Danielle Asuncion, at Princess Johanna Pama, sa likod ng malakas na koponan ng Vietnam (17.250).
​Nilampasan ng koponan ng Pilipinas ang koponan ng Mongolia ng .250 puntos upang makuha ang medalyang tanso na may kabuuang marka na 16.475 puntos sa kompetisyong sinuportahan ng Philippine Olympic Committee at ng Philippine Amusement Gaming Corp.
​Nagbabalik sa entablado sina Cadlos at Dolar, na mga nagwagi ng medalyang pilak sa nakaraang 33rd Thailand Southeast Asian Games, upang makuha ang kanilang ikalawang medalya sa paligsahan sa pamamagitan ng tanso sa kanilang paboritong event na may markang 18.30 puntos, sa likod ng 1-2 pagtatapos ng mga Vietnamese.
​Sa mga resulta, nag-uwi rin ang bansa ng isa pang tanso sa youth aero dance event na may markang 16.700 puntos sa paligsahan na sinuportahan din ng pamahalaang lungsod ng Tagaytay sa pangunguna ni Mayor Brent Tolentino.
​Ang koponan ng Pilipinas ay binubuo nina Enoch Ryan, Jan Basmayor, Mikhaela Ladaran, Sean Emmanuel, Leona Shendrach, Jane Hallel Ramos, Anne Miguel Martin, Casey Meniano, Nathalya Facultad, at Anne Haizzah Meniano.
​”Super happy kami kasi lahat ng sacrifices namin naging sulit. Super unexpected kasi last entry po kami pagkatapos nag-silver po,” pahayag ni Pama habang pinapahalagahan ang kanyang unang medalya sa internasyonal na laro.
​Sa kabuuan, naghatid ang mga host ng isang ginto, isang pilak, at tatlong tansong medalya sa dalawang araw na paligsahan na inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines at pinagtibay ng Asian Gymnastics Union.
​”Masaya na po ako at naka silver and bronze kami sa senior events. Pinaghandaan namin talaga ito,” ayon kay national coach Alena Rius patungkol sa magandang ipinamalas ng kanyang mga alaga.
​”Lalung-lalo na po yung bronze ni Charmaine and Arcenio kasi mga world-rated yung Vietnamese na nag-gold and silver kaya malaking bagay yung medalyang talaga,” dagdag pa ni Rius.
​Sa kabilang banda, labis na natuwa ang pangulo ng GAP na si Cynthia Carrion sa maayos na takbo ng kompetisyon na umakit ng 12 bansang Asyano at halos 500 atleta at opisyal.
​”This is a credit to our organizing team, and most of all the participants we talked to gave us the thumbs up. We really stepped for this one,” ani Carrion, na labis ding ikinatuwa ang pagganap ng Pambansang Koponan na lumampas sa kanyang mga inaasahan.
​”We gave them the opportunity performing in front of the hometown crowd and I am glad that they delivered superbly despite our modest expectations. They competed against the best in Asia and performed well,” dagdag pa niya.
 
 
 
 
Scroll to Top