KWF, Nagsagawa ng Courtesy Visit sa NCIP Koronadal at Ilang Unibersidad at SWK sa Mindanao

Nagsagawa ng courtesy visit ang mga kinatawan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Regional Office ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Lungsod Koronadal noong 9 Hulyo 2026.

Tinalakay sa pulong na ito ang kasalukuyan at mga susunod na proyekto ng KWF na nangangailangan ng koordinasyon sa NCIP.

Bumisita rin ang mga kinatawan ng KWF sa University of Santo Tomas (UST) General Santos City Campus para makipagpulong tungkol sa posibilidad ng pagtatatag ng Sentro sa Wika at Kultura (SWK) sa UST GenSan.

Bilang panghuling gawain, binisita ng mga kinatawan ng KWF ang Mindanao State University (MSU) General Santos City Campus at nakipagpulong sa SWK para sa pagpapaigting ng ugnayan at pagtutulungan sa mga proyektong pangwika.

Ang Sentro ng Wika at Kultura ay isang patuluyang programa ng KWF na naglalayong mas palakasin ang mga programa at gawaing pangwika at pangkultura sa loob ng pamantasan. Inaasahang magsisilbing gabay ang SWK sa pagpapayaman ng mga katutubong wika at kultura sa mga rehiyon sa darating na mga proyekto ng dalawang institusyon.

Scroll to Top