KWF, nakibahagi sa Kapihan ha PIA Leyte
Matapos ang pormal na pulong at presentasyon ng Proyektong Bantayog-Wika 2026 sa pagitan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Leyte Normal University (LNU) ay agad na lumahok ang dalawang panig sa “Kapihan ha PIA Leyte” noong 1 Hulyo 2026 sa LNU Research Innovation and Extension Center sa Government Center sa Palo, Leyte.
Naging pangunahing panauhin sa panayam si Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF at Ikalawang Pangulo para sa Pangasiwaan at Pananalapi ng LNU, Dr. Solomon D. Faller, upang ikapanayam ang mga lokal na midya ng Rehiyon otso sa pangunguna ni Region VIII PIA Information and Communications Manager, Bb. Ahlette C. Reyes.
Naging pangunahing panauhin sa panayam si Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF at Ikalawang Pangulo para sa Pangasiwaan at Pananalapi ng LNU, Dr. Solomon D. Faller, upang makapanaya ng lokal na midya ng Rehiyon 8 sa pangunguna ni Region VIII PIA Information and Communications Manager, Bb. Ahlette C. Reyes.
Naging pangunahing paksa sa naging talakayan ang tungkol sa proyektong Bantayog-Wika na nilalayong maipatayo sa Palo, leyte bago matapos ang taóng 2026.
Ang Bantayog-Wika 2026 ay nasa ilalim ng pamamahala ni Dr. Carmelita C. Abdurahman, KWF Komisyoner para sa Programa at Proyekto na kumakatawan sa mga wika ng Samar-Leyte.
