Korespondensiya Opisyal (PSKO) sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA)–Pili Campus, Ginanap
Pormal na ginanap noong 24 Hunyo 2026 ang tatlong araw na Panlalawigang Seminar sa Korespondensiya Opisyal (PSKO) sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA)–Pili Campus, na ginaganap sa Gusali ng Sentro ng Wika, Kultura, at Sining.
Tampok sa unang araw ng pagsasanay ang talakayan ukol sa Atas Tagapagpaganap Blg. 335 (EO 335) na pinangunahan ni Atty. Marites Barrios-Taran, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Sinundan ito ng mga panayam tungkol sa Korespondensiya Opisyal ni G. Jomar I. Cañega, Chief Language Researcher ng KWF, at sa Pagsasalin ni Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Fultaym Komisyoner para sa Pangasiwaan at Pananalapi ng KWF.
Nagpaabot din ng mensahe ng suporta sa pagbubukas ng programa sina Dr. Carmelita C. Abdurahman, Komisyoner para sa Programa at Proyekto ng KWF; Atty. Dominador Faurillo, OIC Presidente ng CBSUA; at Dr. Leopoldo R. Transona Jr., Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura ng CBSUA.
Nakiisa rin ang mga opisyal at kinatawan mula sa DepEd Naga, DepEd Camarines Sur, at mga lokal na pamahalaan ng Pili, Calabanga, Pasacao, Sipocot, at Libmanan.
