Wanted sa Bacoor City, nahuli

ISANG City Level Most Wanted Person ang nahuli matapos ang matagumpay na manhunt operation ng pulisya kamakailan sa Bacoor City, Cavite.

Ang akusadong si alyas Mark, residente ng Calamba City, Laguna ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.

Inilabas ang warrant ng Regional Trial Court, Branch 2, Calamba City, Laguna, noong Enero 22, 2026, na may inirekomendang piyansang P36,000.00.

Nabatid na ang Manhunt Charlie Operation ay isinagawa ng Warrant Section ng Bacoor Component City Police Station sa Barangay Molino III, ng naturang lungsod dakong alas-7:45 ng gabi nitong Hulyo 6.

Scroll to Top