MWP sa CALABARZON ‘natugis ng pulis-Magallanes

BUMAGSAK sa kamay ng ng mga operatiba ng Magallanes Municipal Police Station ang isang Most Wanted Person (MWP) sa CALABARZON sa matagumpay na law enforcement operation kamakailan sa Magallanes, Cavite.

Nakilala ang akusado na si alyas Mark, na isang Regional Level MWP, at residente ng Magallanes.

Ang operasyon ay isinagawa sa Barangay San Agustin, Magallanes, dakong alas-10:00 ng gabi nitong Hulyo 6.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 15, Naic, Cavite, noong Hunyo 5, 2026 para sa kasong murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code at walang inirekomendang piyansa.

Scroll to Top