Wanted sa Trece ‘nasakote

ISANG City Level Most Wanted Person Rank No. 1 ang nasakote  sa operasyong isinagawa ng pulisya kamakailan sa Trece Martires City, Cavite.

Ang akusadong si alyas Eman, 26, at residente ng Barangay San Agustin, Trece Martires City, ay naaresto matapos ikasa ang operasyon sa naturang barangay dakong alas-12:10 ng hatinggabi nitong Hulyo 1.

Pinangunahan ang operasyon ng Warrant Section ng Trece Martires Component City Police Station sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 5(B) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Inisyu at nilagdaan ang warrant ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 207, Muntinlupa City, noong Mayo 20, 2026, na may inirekomendang piyansa na ₱108,000.00.

Scroll to Top