MWP ng CALABARZON, timbog sa pulis-Dasma
TIMBOG isang Regional Level Most Wanted Person sa operasyong isinagawa ng pulisya kamakailan sa Dasmariñas City, Cavite.
Nakilala ang akusado na si alyas Jose, 55, at residente ng Barangay San Francisco 1, ng nasabing lungsod.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Inisyu at nilagdaan ang warrant ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 129, Dasmariñas City, Cavite, noong Hunyo 11, 2026, na may kaugnayan sa pagsisilbi ng sentensiya.
Ang matagumpay na operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Warrant Section ng Dasmariñas Component City Police Station.
