Oryentasyon at Pagsasanay para sa Pagbubuo ng Korpus ng Pangasinan, Isinagawa sa Pangasinan Polytechnic College (PPC)
Isinagawa noong 2–3 Hunyo 2026 ang Oryentasyon at Pagsasanay para sa Pagbubuo ng Korpus ng Pangasinan sa Pangasinan Polytechnic College (PPC), Lingayen, Pangasinan.
Nakasáma ng mga mananaliksik ng KWF at PPC sa aktibidad na ito si Dr. Raymundo D. Rovillos, ang Pangulo ng kolehiyo.
Nagbigay ng pagsasanay ang mga kawani ng KWF na sina Chinita Ann Francisco at Neil Emman Nolia.
Sa ilalim ng programa ng KWF na Korpus ng mga Wika ng Pilipinas, pinangunahan ito nina Komisyoner Melchor E. Orpilla at Dr. Sheilee B. Vega, Punò ng Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas.
