Wanted sa CALABARZON, nasakote sa Trece
NASAKOTE ang isang wanted sa Region 4A o CALABARZON sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad kamakailan sa Trece Martires City, Cavite.
Ang akusadong si alyas Dominic, na nakatala bilang Rank 10 Regional Level Most Wanted Person, ay nasakote dakong alas-5:00 ng hapon nitong Mayo 12 sa Trece Martires City.
Nanguna sa operasyon ang warrant personnel ng Indang Municipal Police Station katuwang ang mga tauhan ng CIDG Cavite Provincial Field Unit at Cavite Maritime Police Station.
Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa krimen ng Statutory Rape Section 266-A (1) (D) ng RPC, na inamiyendahan ng RA 8353, na inamiyendahan pa ng RA 11648 (3 Counts), na inisyu ng RTC, National Capital Judicial Region, Branch 202, Las Piñas na may petsang May 11, Las Piñas na walang inirekomendang piyansa sa bawat kaso.
