3 miyembro ng Ativan gang, nalambat ng MPD

MAGKAKASUNOD na nalambat ng mga tauhan ng Manila Police District ang tatlong miyembro ng Ativan gang na nambiktima ng isang dayuhan kamakailan.

Kinilala ang tatlong suspek sa mga alyas Cherry, Casey, at Atan na isang taxi driver.

Nabatid na nitong Abril 11 ay isang Singaporean national ang abalang namamasyal sa Binondo, Manila.

Kinaibigan nina Casey at Cherry ang biktima at matapos makapalagang-loob ay niyayang mamasyal sa area ng Baclaran.

Habang kumakain ay nakakuha ng pagkakataon na maisagawa ang modus na ativan sa biktima.

Dahil dito ay nagawa ng mga suspek na makuha mula sa biktima ang halagang aabot sa 4000 Singaporean dollars.

Nagbunga naman ang mga isinagawang hakbang ng kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek.

Sinusulat ito ay nakapiit ang tatlong suspek sa Measic Police Station 11 ng MPD at naharap sa mga kaukulang kaso. (Teksto at larawan ni CH)

Scroll to Top