8Th National Quality Technical and Vocational Education and Training (TVET) Forum
Idinaos ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang ika-8 National Quality Technical and Vocational Education and Training (TVET) Forum na may temang “Filipino Excellence in Action: Advancing Quality-Assured TVET for National Development” sa Seda Vertis North, Quezon City.
Layunin ng forum na palakasin ang quality assurance sa TVET, itaguyod ang kahusayan at katalinuhan ng mga Pilipino sa pagpapaunlad ng kasanayan, at tuklasin ang mga bagong pagkakataon para sa mga manggagawang Pilipino sa nagbabagong global labor market.
Sa naturang forum, pinasalamatan ni Janet M. Abasolo, Executive Director ng Certification Office ng TESDA, ang lahat ng mga lumahok.
Sa kanyang pambungad na pananalita, pinasalamatan ni Vidal D. Villanueva III, Deputy Director General para sa TESDA Operations, ang delegasyon ng mga Muslim, mga district director, opisyal ng lalawigan, mga administrator, mga kinatawan ng DOLE at DOT, pati na rin ang mga kasosyo sa industriya.
”Ang forum na ito ay nagsisilbing plataporma para sa quality assurance ng TVET at skills development,” ani Villanueva.
Binanggit niya ang kamakailang world skills competition sa Shanghai, China kung saan mayroong 600 face-to-face participants mula sa mga TVI at mahigit 1,000 participants online.
”Dapat nating tiyakin na ang ating mga programa ay lumilikha ng mga kompetente at world-class na manggagawa,” ayon kay Villanueva.
“Higit sa lahat, ang mga talento ng Pilipino ay dapat isagawa at hindi lamang nakasulat sa papel,” dagdag pa niya. Itinanong niya rin kung ano ang mangyayari sa inyong institusyon kung aalisin sa inyo ang subsidiya.
Ibinahagi ni Villanueva na dapat may pakikilahok mula sa impact at mga TVI upang pagkatapos ng forum, ay tila walang nangyari. “Siguraduhin nating ang mga nakuha nating insights dito ay maisasagawa,” aniya.
”Bilang mga lider at tagapagtaguyod ng TVET, dapat nating ipagpatuloy ang landas patungo sa kahusayan, ngunit hindi pa natin tuluyang naabot ang kahusayan at bakit pang-anim lamang tayo sa ASEAN?” dagdag pa niya.
Sa kanyang video message, binati ni TESDA Director General Secretary Jose Francisco “Kiko” B. Benitez ang TESDA Certification Office sa pag-organisa ng porum ngayong araw.
”Hindi sapat kung ilan ang nagtapos at nakakuha ng mga sertipikasyon. Ang mahalaga ay kung handa na ba sa trabaho ang ating mga nagtapos,” wika ni Benitez. “Sa porum na ito, mag-pokus tayo sa mga sertipikasyon at pagsunod sa mga panuntunan,” dagdag pa niya.
”Sa TESDA, kayang-kaya,” ani Benitez.
