24-oras na operasyon ng pulis-CALABARZON, matagumpay

MATAGUMPAY ang ikinasang 24-oras na operasyon ng Police Regional Office 4A sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Nabatid na mula alas-6:00 ng umaga nitong Hunyo 16 hanggang alas-6:00 ng umaga nitong Hunyo 17 ay nagsagawa ang mga yunit ng PRO 4A ng 46 anti-illegal drug operations.

Bukod sa pagkakaaresto sa 61 suspek ay nagresulta pa sa pagkakasamsam ng 292.51 gramo ng hinihinalang shabu at 60.90 gramo ng marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na ₱2,006,036.00, batay sa pagtataya ng Dangerous Drugs Board.

Kaugnay naman nito ay pinuri ni Regional Director P/BGen Hansel M. Marantan ang mga pulis sa kanilang dedikasyon at patuloy na tagumpay sa kampanya kontra iligal na droga.

Scroll to Top